Sunday, May 8, 2016

Mudra and Me



Isang pagkainit-init na hapon, nakaupo ako sa sofa sa aming sala at nanood ng paborito kong kasabay sa meryenda.

Nickelodeon's Winx Club.

Actually, favorite ito ng pamangkin ko na naging favorite ko na rin. One day, she insisted on me watching it with her. Natuwa ako sa transformation ng mga main characters.

Since then, it became an afternoon bonding moment with my niece.

In the midst of Bloom, the fairy of the Dragon Flame, leveling up her power by way of Enchantix, biglang umupo sa tabi ko ang aking mahal na Mudra.

"'Nak, matagal pa ba yan?" She asked.

"Hmmmm... medyo. Why?" I answered as I watch my niece sing and dance along with the series.

"Bili mo ako ng toyo. Mag a-adobo ako mamaya."

"Ma, ang init. Kay Jean (ang aming mahal na kasambahay) ka na lang magpabili."

"Wala si Jean."

"Ano ba yan!"

"Sige na anak..." Paglalambing ni Mudra.

"Fine! After this." Nagmamaktol kong sagot.

"Ayan! di ko na napanood ng maayos yung Enchantix. Inutusan pa kasi ako. Maganda ka ba?" I jokingly added.

I rarely pull off a joke like that. And when I do, It's always with my mom. She was very religious and up to this date, she hasn't lose hope that one day, i'll become straight.

So when I blurt out a gay joke, mom would always answer back with a cold shoulder or a nasty grunt.

This time though, it's different.

"Aba Oo anak! Kanino ka ba naman magma-mana?" Ang sagot ni Mudra.

I was speechless.

Sa sobrang tuwa kay Mudra, dali-dali akong tumayo at tumakbo sa SM Hypermarket.

Pagbalik sa bahay, dumiretso ako sa kitchen kung saan nagpeprepare na si Mudra sa pagluto ng hapunan.

Hinalikan ko ang aking Mama sa pisngi bago inabot ang binili ko at bumulong ng "I love you."

Sa kaliwang kamay ay ang toyo na kanyang pinapabili.

Sa kanan ay isang tub ng ice cream.

Happy Mother's Day!

And Yes! I'm back!

photo here

No comments:

Post a Comment