Monday, May 19, 2014

The Proposal

While browsing through my feeds today, this post got my attention.

At first, I thought this is going to be an epic fail as this kind of life event is normally reserved for the masculine demographic. Then halfway through the video, it got me crying my eyes out. 

Love defies tradition. It does not conform to norms. 

And this is a proof that love knows no boundaries.


Paano ko ba sisimulan to? Grabe naman kasi :) nagpunta kami ng The Feast PICC kanina, nasa parking palang kami tumakbo na si Mich kasi daw na-CR siya. Pagdating sa loob, mag start na yung preach, mag CR lang daw siya ulit. Si Bro Bo Sanchez ang preacher kanina, friend namin siya. Habang nagsasalita siya bigla niya sinabi na watch daw yung nasa big screen, kasi ang topic kanina "trending" basta may kinalaman kami daw dun. Something like that. So nagulat ako, lumabas mukha namin sa screen, tinatawagan ko si Mich kasi mga 15-20mins na siyang wala baka kung napano na sa CR tsaka gusto ko makita niya yung video namin nasa screen, wala akong idea talaga na set up pala lahat.

Bigla siyang lumabas from the backstage at nagsalita. Dun palang bumaha na ng luha ko sa church hehe! Akala ko anniversary gift lang, anniv kasi namin kahapon. Tapos nagulat ako naglabasan mga close friends ko sa stage. Di ko na alam nangyayari. Halo halong emosyon na eh. Nakakaiyak pa yung kanta "A Thousand Years". Biglang dahan dahan lumalapit si Mich, di ko na naiintindihan sinasabi niya kasi iba na ung pakiramdam. Para akong lutang na di alam nangyayari. Blur paligid. Iyak lang ng iyak.

Nung malapit na siya sa akin bigla ba namang sinabi "Will you be my happily ever after?" Duuudddeee! Are you serious??? Ang reaksyon ko agad, bakit ikaw nag propose? huhu!! Kasi pangarap ko din un para sa amin. Alam kong gusto niyang maramdaman un pero siya ang gumawa sa akin. Syempre sinagot ko siya ng "SYEMPRE YES!" Biglang inabot sa akin ung ring, di ko alam kung ako ba susuotan niya ng ring hahaha! Eh nakita ko pambabae ung ring, sabi ko "ahhhh ako magsusuot sa kanya" tapos sinabi ko "Will you marry me?" Sabi niya "OFCOURSE YES" duudeee! Iyak na ako ng iyak pati mga tao nakita ko iyak din ng iyak hehehe! Di ko ma-compose ng maayos to, basta gusto ko mag kwento lang kahit mahaba. Ang tagal niya na palang plano to. Lahat ng surprise niya nahahalata ko, pero eto magaling! Kasabwat family, friends ko, family niya, pati mga leaders sa church. Wala talaga akong idea! Ang galing lang. Basta sabaw ako ngayon. Di ako makapaniwala. Best day ever!!!! Pagkatapos ng mass, lahat ng tao bumabati sa amin. "Congrats! Magpagaling ka!"

Basta iba talaga! Ilan lang ba ang makakaramdam ng ganitong pakiramdam??? Babae nag propose sa lalake! Surreal! Babawi ako! Promise!!! Promise!!! Yung ginawa mo ngayon pang history! Haha :) Sobrang maaahaaalll kita Pawliinnn Mityeel!!! Para pa rin akong nasa panaginip. Haba ng hair!!! Hahhaa :)))) I AM ENGAGED dudes!! Di na kami mapaghihiwalay. Habang buhay kong kasama ang taong pinakamamahal ko!!!! Habang buhay!!!!!

- (From Jam's post) Jamich Fanpage

No comments:

Post a Comment